Sabado, Marso 12, 2016

Unawain Mo!

Ano ang "Agrikultura"?

Ang "agrikultura" ay nagmula sa salitang Latin na agricultura o "agri" na nangangahulugang field at "cultura" na ang ibig sabihin ay cultivation o growing.
Sumakatuwid, ito ay isang agham at sining na may kaugnayan sa pagpaparami ng hayop at halaman. Isang agham na may direktang kaugnayan sa paglikha, pag-aalaga ng mga hilaw na materyal mula sa likas na yaman. Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.

 

Mga Subsektor ng Agrikultura

        Nahahati ang sektor ng agrikultura sa:

  1. Paghahalaman (farming) - Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas.










  2. Paghahayupan (livestock) - Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag- aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.


     
     
     




  3. Pangingisda (fishery) - Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture. Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan. Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel.






  4.  


  5.  Paggugubat (forestry) - Paggugubat • Ang paggugubat ay isang pangunahing pang- ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento