Sabado, Marso 12, 2016

May Magagawa ka!

Ano ang Magagawa Mo?


Panimula
Isa sa pinakamalaking sektor ng ekonomiya sa ating bansa ang agrikultura. Ngunit maraming kabataan ang walang pagpapahalaga sa agrikultura.
Panahon na upang palawakin natin ang ating kaalaman tungkol sa mahalagang sektor na ito.



Problema sa Agrikultura

A.    PAGSASAKA



1.      Pagliit ng lupang pansakahan - Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka. Dahil dito, kinakailangang mapalakas ang pagiging produktibo ng mga natitirang lupain sa agrikultura upang makaagapay sa patuloy na paglobo ng populasyon ng bansa na nasa 100 milyon ngayong 2014. Kaakibat ng suliraning ito ang conversion o pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan na nagiging dahilan sa pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga hayop at halaman (Adler, 2002). Ang ganitong sistema ay nakapagdudulot ng higit pang mga suliranin kung hindi magkakaisa ang mamamayan at pamahalaan na mapabuti ang kalagayan ng ating kapaligiran.

  1. Paggamit ng teknolohiya - ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Ang makabagong kaalaman sa paggamit ng mga pataba, pamuksa ng peste, at makabagong teknolohiya sa pagtatanim ay magiging kapaki-pakinabang lalo sa hamon ng lumalaking populasyon. Ayon kay Cielito Habito (2005), ang kakulangan ng pamahalaan na bumalangkas ng isang polisiya na magbibigay-daan sa isang kapaligirang angkop sa pagpapalakas ng ating agrikultura ang isa sa mga kahinaang dapat matugunan. Dahil dito, ang pagpapatatag sa antas ng teknolohiya sa sektor ng agrikultura ay nangangailangan ng agarang atensiyon ng pamahalaan.
  2. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran. Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan sa mga imprastrukturang magagamit ng ating mga magsasaka. Isa ito sa mga nakita nina Dy (2005), at Habito at Bautista (2005) batay sa isinulat nina Habito at Briones (2005) na kinakailangang matugunan. Ang Batas Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997) ay naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor upang masiguro ang pagpapaunlad dito. Inaasahang sa wastong pagpapatupad ay matutugunan ang ilang suliranin sa irigasyon, farm-to-market-road, at iba pa. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Benigno S. Aquino III, ang pamahalaan ay nakapagsagawa ng mga kalsada at iba pang kaugnay na proyektong nagkakahalaga ng P8.3 B. May kabuuang 1,147 na pamayanan ang naikonekta sa mga pangunahing daanan mula noong 2011
  3. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor. Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang higit na maging matatag ang agrikultura. Ayon sa Batas Republika 8435, ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay binigyang- diin bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura. Ang pagsusulong sa batas na ito ay isang pagkilala sa napakaraming pangangailangang maaaring hindi kayanin ng departamento nang mag- isa. Ang suliranin sa irigasyon, enerhiya, komunikasyon, impormasyon, at edukasyon ay mga tungkulin na maibibigay ng mga ahensyang ang pangunahing responsibilidad ay tungkol sa mga nabanggit. Halimbawa, ang Land Bank of the Philippines ay partikular na makatutulong upang makapagpautangsamgamagsasakaupangtugunanangmgapangunahing pangangailangan sa pagtatanim tulad ng gastusin sa abono, butil, at iba pa.
  4. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya. Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ayon kina Habito at Briones (2005) ay ang naging prayoridad ng pamahalaan sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga favored import sa pandaigdigang pamilihan. Ito ay nabanggit din sa website na oxfordbusinessgroup.com. Ang kawalan at pagbibigay ng bigat sa industriya ang nagpahina sa agrikultura. Mas binibigyan ng pamahalaan ng maraming proteksiyon at pangangalaga ang industriya. Dahil dito, nawawalan ng mga manggagawa at mamumuhunan sa sektor ng agrikultura. Mas pipiliin pa nila ang pumunta sa industriya dahil sa mga insentibo rito na nagbunga sa pagbaba ng produksiyon at kita sa agrikultura.
  5. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal. Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa dulot ng pagdagsa ng mga dayuhang kalakal. Maraming magsasaka ang nahihirapang makipaglaban sa presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa. Bunga ito ng pagpasok ng pamahalaan sa World Trade Organization (WTO) kung saan madaling makapasok ang mga produktong mula sa mga miyembro nito. Dahil dito, maraming magsasaka ang naapektuhan, huminto, at sa kalaunan ay ipinagbili na lamang ang kanilang mga lupa upang maging bahagi ng mga subdibisyon.
  6. Climate Change. Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa bansa tulad ng pagdating ng bagyong Yolanda na may pambihirang lakas noong 2013. Milyon – milyong piso ang halaga ng mga nasirang kabuhayan at personal na mga gamit. Maaaring mabawasan ang epekto ng pagbabagong ito sa klima ng mundo kung magkakaisa ang mga bansang iwasan ang mga dahilang nagpapalala at nagpapabago sa klima ng mundo.


B.     PANGISDAAN

1.      Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda - Mula sa aklat nina Balitao et al (2012), ang malalaki at komersiyal na barko na ginagamit sa paghuli ng mga isda ay nakaaapekto at nakasisira sa mga korales. Bunga ito ng pamamaraang thrawl fishing na kung saan ang mga mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat. Ito ay hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang madaanan, maliit man o malaki. Dahil dito, pati ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda ay nasisira. Sinusugan ito ni Michael Alessi (2002) na nagsabi na sa kabila ng mga polisiya sa Pilipinas, bukas sa lahat at halos hindi nababantayan ng mga namamahala ang mga mangingisda kaya marami ng reefs ang namatay o nasira. Kung hindi magbabago at mapipigilan ang mga mangingisdang ito, darating ang panahong mauubos ang mga isda na isa sa mga pangunahing pagkain ng mamamayan.
2.      Epekto ng polusyon sa pangisdaan - Binanggit din sa aklat nina Balitao et al (2012) ang patuloy na pagkasira ng Laguna de Bay at Manila Bay dahil sa mga polusyon na nagmumula sa mga tahanan, agrikultura, at industriya. Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at mga kemikal na mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa. Dahil sa polusyon, ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaaring makaapekto rin sa mga mamamayan sa pagdating ng panahon.
3.      Lumalaking populasyon sa bansa - Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng mataas na pressure sa yamang tubig ng bansa at sa lahat ng yamang-likas, sa kabuuan. Kung hindi magkakaroon ng patuloy na pag-unlad, halimbawa sa teknolohiya, mahihirapang makaagapay ang bansa sa lumalaking pangangailangan ng mamamayan dulot ng pagdami ng tao. Kung magkagayon, maaaring maganap ang sapantaha ni Thomas Malthus na ang patuloy na paglaki ng populasyon ay maaaring magdulot ng kahirapan na sa kalaunan ay kakulangan sa pagkain. Dahil habang lumalaki ang bilang ng populasyon, unti-unti rin ang pagbaba sa bilang ng mga yamang-dagat at lahat ng likas na yaman dahil sa dami ng kumokonsumo.
4.      Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda – Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may pinakamababang sahod na natatanggap. Dahil dito, sila ay nabibilang sa mga pangkat na hikahos sa buhay. Ayon kay Jose Ramon Albert (2013), ‘hindi kataka- taka na sa lahat ng sektor, ang mga mangingisda (41.4%) at magsasaka (36.7%) ang may pinakamataas na poverty incidence noong 2009. Ito ay kapansin-pansin na mas mataas nang bahagya sa  kabuuang populasyon ng mahihirap sa ating bansa (26.5%)’. Ang mababang kita sa uri na ito ng hanapbuhay ay hindi naghihikayat sa mga batang miyembro ng kanilang pamilya na manatili sa sektor. Dahil dito, karaniwan ng makikita ang kanilang pagpunta sa mga kalunsuran upang makipagsapalaran.

C.     PAGGUGUBAT
a.     Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan. Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman. Mabilis na nauubos ito dahil sa mga pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga troso at mineral. a. Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya.
b.      Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami.
c.       Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim taon-taon.
d.      Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan.
e.       Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa. Dahil sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw, kasama ang sustansiya nito. Hindi nagiging produktibo ang mga pananim na itinatanim dito.

 

Ano ang Magagawa Natin?
 

Dapat ay pahalagahan natin ang sektor ng agrikultura. Dapat nating suportahan ang mga magsasaka ng ating bansa  sa pamamagitan ng pagbili ng mga produktong lokal. Kailangan din ng suporta ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga pautang, programa o mga tulong pinansyal. Dapat din ay mamulat tayong lahat, lalung-lalo na ang mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng sektor na ito. Tayong lahat ay dapat magsama-sama. Magtulong-tulong. Tungo sa pag-unlad ng Pilipinas. SULONG PINAS!
 




 

Unawain Mo!

Ano ang "Agrikultura"?

Ang "agrikultura" ay nagmula sa salitang Latin na agricultura o "agri" na nangangahulugang field at "cultura" na ang ibig sabihin ay cultivation o growing.
Sumakatuwid, ito ay isang agham at sining na may kaugnayan sa pagpaparami ng hayop at halaman. Isang agham na may direktang kaugnayan sa paglikha, pag-aalaga ng mga hilaw na materyal mula sa likas na yaman. Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.

 

Mga Subsektor ng Agrikultura

        Nahahati ang sektor ng agrikultura sa:

  1. Paghahalaman (farming) - Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas.










  2. Paghahayupan (livestock) - Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag- aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.


     
     
     




  3. Pangingisda (fishery) - Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture. Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan. Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel.






  4.  


  5.  Paggugubat (forestry) - Paggugubat • Ang paggugubat ay isang pangunahing pang- ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.